Pagkagising sa umaga wala na akong ibang dahilan para bumangon kungdi ung mga hindi ko pa tapos basahin at sagutin at sikaping intidihin (meaning lahat.) Ayokong umuuwi kasi pagkarating ko sa bahay kailangan nanaman mag aral. Pagkahiga ko sa gabi naiiyak nalang ako dahil kahit buong araw akong nagsunog ng kilay parang bang wala parin akong natapos. Kahit isipin kong kaya ko dapat ito, pag nagbasa na ako ng libro hindi ko maintindihan. Pag kaharap ko ang exam, kahit ang pinakasimpleng tanong ay wala akong sagot.
Pero kaya ko ito.
Kinaya ito ni Kuya Ryan. Kinaya ito ng lahat ng nauna sa akin. Kaya ito ni Paul at ni Marian.
Kaya ko din ito. Kaya ko din ito. Kaya ko din ito.
|